Unang Wika (Kahulugan)

Ang unang wika ay tumutukoy sa wikang unang natutuhan ng isang indibdiwal mula sa kanyang pagkasilang. Ito rin ay kilala sa katawagang katutubong wika.

Ang unang wika ay tinatawag ding arteryal na wika o inang wika dahil ito ang unang wikang itinuturo sa bawat bata buhat sa kanyang pagkasilang.

Dahil sa pagkakaiba-iba ng lugar na kinagisnan ng bawat indibdiwal, magkakaiba ang unang wika ng bawat isa.

Alinsunod sa kagawaran ng edukasyon, ang unang wika ay kilala sa mother tongue kung saan labindalawang unang wika ang aprubado nito kabilang ang Bikol, Chavacano, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Kapampangan, Maranao, Maguindanao, Pangasinense, Tagalog, Tausug, at Waray.

Leave a Comment