Ang surian ng wikang pambansa o SWP ay itinatag ni pangulong Manuel L. Quezon upang magsiyasat sa mga katutubong wika upang sa gayon ay makapagpatibay ng wikang panlahat alinsunod sa iisang wikang umiiral sa bansa.
Kabilang sa tungkulin ng SWP ang pag-aralan ang wikang ginagamit ng mga Pilipinong may kalahating milyon na bilang lamang; paghahambing ng mga talasalitaan ng iba’t ibang dayalekto; pagsisiyasat sa ortograpiya at ponetikong Pilipino;
at pagpili ng wikang katutubo upang maging batayan ng itatalagang wikang pambansa ng Pilipinas na nararapat ay nakasunod sa panitikang pinakamayaman at tanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino.