Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat ng naninirahan sa isang bansa.
Sa Pilipinas, wikang Filipino ang itinalagang wikang pambansa na nababatay sa wikang Tagalog na pinaniniwalaang sinasalita sa malaking bahagi ng Maynila maging mga malalapit na lalawigan nito.
Mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wikang pambansa dahil ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad ng mga mamamayan sa Pilipinas.
Ito rin ang indikasyon ng pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat Pilipino. Bukod pa riyan, higit na mauunawaan ng bawat indibidwal ang isa’t isa sa paggamit ng wikang pambansa.