Ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin ay pagsasaling-wika.
Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagsasalin ng diwa ng isang talata sa pinakamalapit nitong katumbas kung saan ang pagsasaling isinasagawa ay hindi nakatuon sa bawat salitang bumubuo sa talata.
Sa pagsasaling-wika mayroong mga katangiang dapat taglayin ng tagapagsalin upang masiguro na wasto ang gagawin.
Kabilang sa mga katangiang ito ang pagkakaroon ng kaalamang sapat sa mga kasangkot na wika; pagkakaroon ng kaalamang sapat sa tamang gamit ng gramatika ng mga kasangkot na wika; pagkakaroon ng kaalamang sapat sa isasaling paksa; at wastong kaalaman hinggil sa kultura ng mga bansang kinabibilangan ng mga kasangkot na wika.