Mahalaga ang buwan ng wika upang bigyang pugay ang ama ng Wikang Pambansa, upang gunitain ang Kulturang Pilipino, at upang pahalagahan ang Wikang Filipino.
Ang buwan ng wika ay isang pagdiriwang sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto kada taon alinsunod sa Proklamasyon Bilang 104 na pinirmahan ng yumaong pangulo ng Republika ng Pilipinas na si dating pangulong Fidel V. Ramos.
Madalas ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa sa mga paaralan kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maipakita ang kanilang pagmamahal sa wika at talent sa pamamagitan ng pakikilahok sa iba’t ibang mga aktibidad tulad ng pagsasayaw ng iba’t ibang katutubong sayaw at pag-awit ng iba’t ibang mga awit na katutubo.