Ang Persona Non Grata ay tumutukoy sa kinatawang lumabag sa batas ng bansang kanilang pinunatahan.
Ang persona non grata ay isang paglabag na idinideklara ng lokal na pamahalaan o gobyerno sa isang indibidwal (dayuhan) na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa mga tao na naninirahan sa lugar na binisita nito.
Maaari ring mabigyan ng ganitong paglabag ang isang dayuhan sa isang lugar kung ito ay hindi magpapakita ng utang na loob at paggalang sa gawi o paniniwala ng mga tao sa pinuntahang lugar.
Samantala, upang mabawi ang persona non grata na ibinigay sa isang dayuhan, dapat na siya ay humingi ng paumanhin.