Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay pumapatungkol sa likhang sining na ginagamitan ng salita at maaaring nasa anyong pasulat at paminsang-minsang pasalita.

Ang panitikan ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag o pagsasabi ng ideya, damdamin, at maging karanasan ng isang indibidwal. Ito ay ang maituturing na paglalarawang pinakapayak na maaaring maisagawa sa pamamagitan ng tuwiran o tuluyang pagsusulat at patula.

Ang panitikan ay nahahati sa dalawang uri, ito ay ang patula na nabubuo sa pamamaraang pagsasama-sama ng mga salitang maanyo na nagtataglay ng sukat, tugma, at taludtod.

Samantala, ang ikalawang uri naman ay ang prosa o tuluyan na nabubuo naman sa pagsasama-sama ng mga salita sa isang pangungusap ng may laya gaya ng nobela, kuwento, at alamat.

Leave a Comment