Ang Mother Tongue ay tumutukoy sa unang wika o salitang kinagisnan o natutuhan ng isang indibdiwal mula sa kanyang pagkabata.
Ang Mother Tongue ay isang mahalagang bahagi ng pagkatuto ng mga indibdiwal na kung saan ito ay higit na nakatutulong sa mahusay na pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapwa.
Sa tulong din nito mas mabilis na naipapahayag ng tao ang kanyang ideya o saloobin higit na lalo sa loob ng paaaralan.
Nang mailunsad ang K to 12 Program ng Kagawaran ng Edukasyon, isa ang pagtuturo ng Mother Tongue sa naaprubahang asignatura partikular na sa mga mag-aaral na nasa una hanggang ikatlong baitang.