Ang kahalagahan ng wika ay nakapagbibigay-daan ito para magkaunawaan o magkaintindihan ang mga tao.
Ang wika ay isang masistematikong balangkas ng mga tunog na pinipili at isinasaayos sa arbitraring paraan. Ito ay mga tunog na binibigkas kung kaya ang wika ay isang mahalagang parte ng pakikipagtalastasan ng mga indibidwal sa pang-araw-araw na buhay o gawi.
Ito ay ang nagsisilbing tulay upang maipahayag ng bawat isa ang kani-kaniyang ideya o saloobin na kapaki-pakinabang naman upang makamit ang pagkaka-unawaan.
Kaya naman ang wika ay maituturing na mahalaga sa buhay ng bawat isa dahil kung wala ito ay marahil magkakagulo ang bawat indibidwal.