Help - Search - Member List - Calendar
Full Version: Corruption and Colonial Mentality is whats bringing us down!
Forum Index > OTHER DISCUSSIONS > General Interest
shen brood
Mga kapwa ko kabataan alam naman ng lahat kung ano ang patuloy na nagpapalugmok sa ating bansa ito ay walang iba kundi ang katiwalian sa ating pamahalaan at ang patuloy na pagwawalang bahala ng Filipino.



Isa pa rito ang patuloy na pagkawala ng pagkakakilanlan ng mga Filipino at patuloy na pagtangkilik sa produktong dayuhan at hindi pagmamahal sa kanyang sariling bayan.



More and more people are doing work for themselves without even thinking the welfare of others and their country. Most of the youth of today undoubtedly are more excited playing online games or talking about sex than discussing how to excel or even how they can contribute to our country. While this is happening majority of the politicians are planning how to make the most profit in each transaction and contract they make. How can we progress if both worlds are deteriorating. The youth must take action and our leader must make a firm stand no matter who gets hurt in the process. We need a strong youth as well as a strong leader!



What do you think people?
shen brood
Dati walang nagreply dito kasi nga hindi pa ganun ka active ang forum nun. Alam nyo hanggang ngayon ito pa rin ang paniniwala ko. Marami pa rin sa nasa pamahalaan natin ang mag kanya-kanyang pansariling interes at marami rin ang nagnanakaw sa kaban ng ating bayan. Huwag na tayong magbulag-bulagan pa o masaktan dahil ito ang katotohanan. Paano tayo uunlad kung mismong ang ating mga pinuno ang nagpapabagsak sa atin.. kelan pa tayo matututo?
webmaster
masyadong mabigat ang iyong sa loobin shen sad.gif

Anyway CORRUPTION is one of the main problem and cause kung bakit tau naghihirap kc kung walang corruption sakto lang ang budget ng pamahalaan para sa ating bansa...isipin mo nalang mas malaki ang kurakot nila kaysa sa mga projects na ginagawa nila..tapos sisisihin nila ang taung bayan kc maliit lang ang tax na binabawas sa atin which is kung iisipin mo sobra pa sa pangangailangan ng pamahalaan ang tax na binabayad natin kung di lang nila kinukurakot...isang paraan lang para umunlad ang bayan natin....wala sa ekonomiya yan...NASA MGA OPISYAL NG GOBYERNO!!!
shen brood
Ang masakit pa nito ay halos tanggap na ng tao na bahagi ng ating kultura ang corruption at sila mismo ay nagiging instrumento nito kapag eleksyon. Isa sa pinaka corrupt na proseso sa ating bayan ay tuwing eleksyon kun saan halos bilhin na ng mga kandidato ang boto ng mga mamamayan.
webmaster
hindi pa yan ang masakit shen....isipin mo nalang kung saan galing ang perang ginagamit nila sa pangangampanya...ano pa nga ba kung di kaban din ng bayan..tpos pag naupo na sasabihin nila walang budget..susme sad.gif
shen brood
Pero kung "basic knowledge" ito bakit tinatanggap natin ang sistemang ito? Wala na bang paraan para mabago pa ito? At bakit tayo pumapayag na pagamit sa ganitong sistema?
webmaster
dalawang bagay its either na natatakot labanan ito sambayanan dahil sa sila ay makapangyarihan or tanggap na ng ating mentalidad na ganun tlaga at wala na taung magagawa pa. sad.gif

Para saan pa at naging demokrasya tayo kung di rin naman natin gagamitin ito...o baka marahil napagod na ang taong bayan sa ganitong sistema
shen brood
Ang nakikitang kong dahilan ay wala pang tumatayong matapang at matinong lider na may lakas ng loob na kalabanin ang nabuong sistema ng mga ganid sa ating lipunan mad.gif
webmaster
Pag dumating ang taong yan sana ay di mahawa sa kapwa politiko
shen brood
Dumating na ang taong yan. Alam mo kung sino? Ang taong yan ay ang bawat isa sa atin wink.gif
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2006 Invision Power Services, Inc.