Help - Search - Member List - Calendar
Full Version: ABOLISH SANGGUNIANG KABATAAN
Forum Index > OTHER DISCUSSIONS > General Interest
christianaboa
Sannguniag Kabataan is a good institution where one can hone his skills and talents in leadership. However, we usually don't see these people doing there job especially in provinces. They just sit down and wait for their salaries. They use the funds in things of no great importance: beautification of basketball courts, erecting those awful structures where their names are lettered in metal and painted in bright colors to attract attention. Nobody needs that! It's not helping either! It's all about wasting money. But of course there are few who are doing fairly good job.

What we need now are youth who have the spirit of volunteerism and love to our country. Youth who what all they wanted is to participate in nation building and give their share in transforming our country to a better place where poverty and war is unknown. We need to encourage the youth to rally their support for different government programs which aims to alleviate people from poverty and stop the conflicts that have killed thousands of innocent civilians and courageous soldier as well.



So Act now!!! Encourage two or more persons to join you in your organization and be an active participant in the nation-building. Likewise, ask each of them to also recruit more people so we can create a pool of support greater than the pacific ocean. Thanks!!! Be proud to be Pinoy!!!!
aktibistangpilosopo
i thing the abolition of the sk as an institution is not the answer to its problems. kapag tuluyang nawala ang sk ay mawawalan ng direktang involvement ang mga kabataan sa pamahalaan natin, maari pa namang maging catalyst of change ang sk bilang institusyon. alam ko ang kalagayan ng sk ngayon, kung saan tuluyan nang nilalamon ang pangalan nito ng kurapsyon at kawalan ng aksyon. bilang isang sk mismo, alam ko kung paano ang kalakaran sa loob nito, kahit sinong kapwa sk ay sasang-ayon sa akin na laganap ang kurapsyon sa loob nito, sa barangay level pa lang, ang pinakamababa, ang temtasyon ay napakalakas, lalo pa sigurp sa mas mataas na posisyon. hinahamon ko ang mga kapwa sk ko na kumilos bilang kabataan na nagnanais ng positibong pagbabago sa lipunan. kailangan ng malawakang reporma sa sk sa madaling panahon. marami namang youth organizations na mas marami ang accomplishment kesa sk kahit walang budget at pure volunteerism lang. karaniwan kasing hindi ginagamit ng tama ang budget ng sk at nagiging bata na lamang ng mga pulitiko.



jhong
shen brood
Siguro ang dapat gawin ay maging requirement na member ng isang youth organization ang tatakbong kandidato sa SK at sana ay ipagbawal din ang pagbata sa mga kandidato ng mga pulitiko. Isa ring malaking problema ng SK ay ang mga nakakatatandang pulitiko na siya nilang ginagawang huwaran o mas madalas ay siya pang nagtuturo ng mga kawalanghiyaan sa mga ito. Since ang mga SK Chairman ay bahagi ng institusyon na gaya ng barangay, municipal council o provincial board nahahawa sila sa kabulukan ng mga sistemang ito.



Malaki ang maitutulong kung miyembro sila ng isang youth organization kasi kahit papaano ay may mga rules and regulation na agagbay din sa kanila at may mga magpapaalala sa kanila ng kanilang tungkulin. Sana rin ay maibalik ang age limit na 21.
XeonBlaze
Karaniwan ng mga SK na kilala ko madali magamit ng mga politiko na may matataas ng tungkulin. Parang hindi nila kaya magdala ng sariling desisyon. Madalas ay madali silang magamit at nagpapagamit naman sila. Ewan ko ba kung bakit, siguro dala na din ng kabataan. Kaya sang-ayon ako na ibalik yung 21 age limit. Dapat din siguro magkaroon ng watchdog sa baranggay level at hindi lang sa matataas na posisyon ng pamahalaan. Tungkol naman sa sweldo... kailangan ba talaga ng sahod ang SK... sa tingin ko malaki ang nasasayang na pondo ng gobyerno para lang pasweldohin ang SK, kung may sweldo man ito, dapat sapat lang sa maliit na nagagawa ng SK. Bakit, madami naman mga organisasyon na walang sahod na natatanggap mula sa gobyerno pero matagumpay naman? Huwag sana maging motivation ng mga SK officer ang sweldo, dapat kasi serbisyo muna.
shen brood
Tama ka dyan Xeon at gaya nga ng proposal ko dapat ding bigyang halaga ang mga nagawa ng kumakandidatong kabataan at kung mayroon siyang organisasyon na sinasamahan. Mahalaga rin na hindi sila magamit ng pulitiko at sana naman ay maging mas higit pa sa mga paliga ng basketbol ang magawa nila.
Jerome
LET'S BE ONE, UNITED AND COMMITTED
Jerome
Actually, medyo nagdadalawang isip ako kung sang-ayon ako sa abolishmnet ng SK o hayaan lng sila na magpagamit sa mga HAYOK na pulitiko. Tama nga naman si AKTIBISTANGPILOSOPO mawawalan nga tayo ng boses kung tuluyang mawawala sa atin ang opurtunidad na ito.. Sabagay nga naman ikaw ba naman ang may honorarium na aabot na 25,000 cno ba nmn ang makkatangi db?.. OPPORTUNITY..,at para manalo lang,.. lalapit yan sa mayor at hihingi ng suporta at ang kplit nmn nito ay hahawakan ni mayor. Ewan ko n lng kung anong pinanghahawakng iyan. NAKAKAPANGHINA NG LOOB! Feeling ko nga ngayon ayaw ko munang mging isang kabatan hanga't walng direksiyon ang mga ibang kabataan ngayon at mas nanaisin ko png maging musmus na kailnman di nauunawaan ang mga KATAGANG ------- KORUPSYON.. pero wala ako magagawa eh.. NANDITO NA AKO.., NANDITO NA TAYO., at ang kailangan nating gawin ngayon AY ibangon ang tingin sa atin ng nakakarami.. kailangan nating patunayan na TAYO pa rin ang PAG-ASA nitong bayan.., NA ang KABATAAN at KAILANMAN hindi magiging isang SALOT ng lipunan..
shen brood
Hanga ako sa iyong tinuran Jerome. Alam mo sa karananasan ko sa BROOD sadyang kay hirap pasamahin ng kabataan sa mga bagay para sa ikabubuti ng bayan lalo na at walang bayad o volunteer lamang. Pinakamahirap kumbinsihin ang mga karaniwang kabataan na ang isipan ay nakatuon sa "computer gaming", "lovelife" at "barkada". Subalit gaya mo ako ay hindi nawawalan ng pag-asa sapagkat alam ko sa tiyaga at determinasyon ay kaya natin ito!
marvin_segura
we cannot blame the SK for the recent move to abolish the SK in the local government. i believe that we cannot make an instant or i should say drastic decision on this. what we need is to empower the youth of today and strengthen the youth idealism in order for us to solve the problem.
shen brood
I agree with you on that matter but what should we do? I think one of the best solutions is to unite and jointly bring a real Youth Revolution and Youth Empowerment to this country.
marvin_segura
QUOTE(shen brood @ May 8 2005, 05:30 AM)
I agree with you on that matter but what should we do?  I think one of the best solutions is to unite and jointly bring a real Youth Revolution and Youth Empowerment to this country.
*



YES FOR THE YOUTH EMPOWERMENT.

BUT I DONT AGREE WITH YOUTH REVOLUTION BECAUSE REVOLUTION IS SOMEWHAT AN OVERHAUL AND COMPLETE CHANGE OF THE ENTIRE SYSTEM.
shen brood
When I say "Youth Revolution" it means changing the way most of the youth are concentrated now and making them the real future of this country. If we will not stage or start such a revolution we might find a deteriorating country in the future.
marvin_segura
QUOTE(shen brood @ May 9 2005, 05:12 AM)
When I say "Youth Revolution" it means changing the way most of the youth are concentrated now and making them the real future of this country.  If we will not stage or start such a revolution we might find a deteriorating country in the future.
*



yes maybe.. but we cannot deny the fact that it is in our culture why the youth behaves on that way. or it is in our core values.

or shall i say, we need moral revolution? wat do u think?
shen brood
It is not in our culture whu the youth of today behaves this way. This behavior of our youth is cause by what exists as influences in our present environment. The true Filipino youth has love and passion for his country.
shen brood
Naisip ko lang, ano ang mangyayari sa SK sa ilalim ng Parliamentary-Federal form of government?
melaniemaemartinez
rolleyes.gifano na ba ang tunay na kahulugan ng sk???? madalas maituturing na itong "Sankatutak na Kurarok" nakakalungkot isipin na sa kasalukuyang panahon ang sk ay nagiging pugad ng mga future trapo, madalas mga anak ng mga politiko, na sa murang edad ay nailuklok sa isang posisyong hindi naman nalalaman ang tunay na kahulugan ng posisyon, sa panahong ito nararapat na maging involve ang mga kabataan pero kinakailangan na ang sk ay dumaan sa isang makabuluhang rehabilitasyon, let us not consider sk as a part of the political system that believes that politics is a struggle for power, bagkos ang sk ay isang independent body na pangangalagaan ang mga karapatan ng kabataan
shen brood
Sang ayon ako sa iyo dyan kapatid. Siguro dapat lang na ang SK ay hindi maging instrumento lamang para ang mga anak ng mga pulitiko y maluklok at ganun na rin ay magamit para sa popularity campaign ng mga nakatatandang pulitiko. Ang SK ang unang daan upang maging gising ang kabataan sa paglilingkod sa kanyang bayan at dapat ang daang ito ay malinis at pulido.
febbie
Guys!

Napaluha ako habang binabasa ko ang mga post messages ninyo. Tama kayo lahat! Dapat ang isang qualifications ng isang sk chairman isang active member ng isang youth organization. Para magiging responsible cya sa lahat ng mga gawain ng isang sk chairman. Para din maisulong ang mga kailangan ng mga kabataan at meron cyang pagpahalaga sa kapwa kabataan at sa boung mundo. Para mapagngawan ang na ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN.

Tungkul doon sa mga BUDGET na nasasayang lng. Alam nyo, halos sports lng ang napupuntahan ng budget ng sk. Alam nyo kung bakit, kasi ito lang pinakamadaling gawin ng isang sk. pinakamadaling gawan ng isang resolution o project profile para maimplement ang isang activity o project. Siguro kailangan namin ang karagdagang kaalaman sa paggawa ng isang resolution at project proposals. Inaamin ko ang lagi ko na nagawa na resolution at project proposals ay sa sports. Minsan ko lng nasubukan sumulat ng resolution sa ibang category. Kun sabagay, sport and culture kasi ang committee ko. Pero sa tingin ko yun ang kailangan sa isang SK.

Ang dami ko ng sinasabi, ano? Dito kasi ako nakahanap ng lugar na pwede ko i express ang lahat na naramdaman ko sa mga naranasan ko bilang isang SK. ang hirap palang mag serve country pero ok lang yun. MASAYA AKO SA GINAGAWA KO.

till here

febbie smile.gif
jogster
Hindi ako parte ng SK sa komunidad na aking pinanggalingan kaya ang aking mga mga masasabi ay pawang mga pansarili ko lamang na kuro-kuro. Ituring nyo na lamang ako bilang isang tiga-labas na magbibigay ng aking palagay at suhestyon sa isang samahang hindi ko kinabibilangan.

Una sa lahat, hindi naman po sa nilalahat ko, pero hindi ba ang SK ay mistulang nagiging isang 'breeding ground' ng mga future na pulitiko (aka trapo)? Obserbasyon nga ng aking ibang kaibigan, kahit na gaano daw kalinis at kaganda ang hangarin ng isang bago at batang pulitiko, kapag pumasok na daw sa mundo ng pulitiko, nahahawa din daw.

Hindi naman masama na maglaan ang pamahalaan ng budget para sa mga proyekto ng mga kabataan (SK) subalit sana naman ay hindi maging katulad ng mga proyekto ng karamihan sa ating mga kongesista ang pinatutunguhan ng kanilang mga proyekto na syang pawang puros pagpapaganda lamang pero wala namang naidudulot na pangmatagalan na benepisyo. Mas makabubuti po siguro kung magkakaroon ng parang isang Medium-Term Development Plan ang SK na cyang gagamitin nilang basis ng kanilang mga proyekto. Lahat ng magiging proyekto ng SK ay maglalayong ma-i-advance ang interes ng Medium-Term Development Plan na ito.

Sa ganitong paraan, mas makakasigurado ang mga kabataang magbebenefit sila sa mga proyekto ng SK dahil merong 'follow-up' na mangyayari at hindi yung pagkatapos ng isang matagumpay na proyekto ay kalimutan na. Isa pa, hindi magmimistulang suntok sa buwan ang mga proyekto ng SK. Meron kasi akong kilalang SK leader na gumawa ng project para lang magastos yung budget na nasa disposal nya. Kung puros ganito ang dahilan kung bakit nagkakaproyekto ang isang SK leader, para lamang magamit ang budget, nasaan ang pagpapatupad ng tunay na layunin ng SK na makatulong sa kabataan?

Palagay ko lang naman po yan... smile.gif
febbie
jogster,

ano yung medium term development plan? sabi nga ni kuya edwin ng youth affairs nun sa amin na ang politics ay hindi masama ang mga taong ginagamit ang pulitika sa kanilang pansariling kapakanan lamang. hindi masama ang politics as long as wala kang ginawa na masama. nakakainis ang mga taong yun.

welcome to this forum!

febbie wink.gif
jogster
hello febbie smile.gif

medium term development plan = term lang po na ginamit ko para ma-put into writing yung idea ko. actually, its something similar to the development plan that administrations are adopting at the start of their term (something like Pilipinas 2000 of Ramos or that of GMA's 10-point agenda). Naisip ko lang po na mas maganda siguro kung merong eksaktong goal and SK upang ng sa gayon, mas magiging makabuluhan ang mga proyekto nito at hindi kadalasan ay puro's sa sports lamang (though i have nothing against SK sports projects).

Sang-ayon po ako sa inyo, hindi nga naman ang pulitika ang masama kundi ang labis lamang na paggamit at pag-aabuso dito (at gayun na din ang mga taong namumulitika ng sobra. grrr..).

febbie
jogster biggrin.gif

oo nga dapat meron sila dapat sinusunod nga mga program. actually sa by laws and constitution, nakasaad doon yong iba't-ibang committee. pero ang mga committee na ito ay hindi lahat nag work out. kasi pag sinabing sk, sports lng ang kayang gawin. pabaya yung iba mga sk ngayon kasi hindi nila kagustuhan na malukluk sa posisyon. pinuwersa lang sila sa kanilang mga nakakanda. (nakakainis no? mad.gif)
shen brood
Dapat din ay katulong ng SK ang mga youth organizations para maisulong ang mga progrmang makatutulong sa kabataan at sila rin ay matulungan na maging mabubuting mga leader. Dapat din siguro na sila ay sanayin ng kanilang mga nakatatandang katuwang upang magampanan ang kanilang tungkulin ng maayos at hindi turuan kung papaano malalamangan o makakakuha ng pera mula sa gobyerno.

Sa lahat ng ating mga nasabi nawa ang ating mga samahan ay maging kabilang sa mga gagabay sa SK na ito.. at sana ay kanila itong tanggapin.
febbie
tama ka shen. yong mga youth organizations ay dapat katuwang din sa sk. dapat matulungan ang mga kabataan upang maisulong ang ating mga karapatan. d b?

so ano? mag-uusap nalang ba tayo dito? o gagawa na tayo ng action habang hindi pa huli ang lahat. meron pa naman tayong sapat na panahon diba. next sk election is in October 2007.


febbie tongue.gif
ermengard
Habang lumilipas ang panahon, napapansin ko sa mga kabataan ngayon na hindi na aktibo sa nga bagay na maaring makatulong sa ating bayan...ngayon nga halos lahat nadik na sa mga kung ano anong bagay na walang katuturan.

DAPAT MAY GAWIN TAYO KAPAKIPAKINABANG!!!! Dahil para sa ATIN ang magandang bunga nito!!
febbie
ermengard,

welcome alex in this forum! salamat sa mga sinabi mo! tama ka dapat meron tayong gagawin! we just pray for our success! hindi pa tayo nagsisimula! smile.gif

febbie
shen brood
Welcome Alex!

Sa totoo lang mayroon na tayong magagawa dito. Magtrain tayo ng mga kabataan ma miyembro sa ating samahan para tumakbo sa darating na SK Election. Ang pagsusog din sa batas na ito ay wala sa ating mga kamay kundi nasa kamay ng ating pamahalaan.
chiqi_chiq
i was able to visit PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism) for an educational trip for our journ class. we have discussed sumthing about SK pipz...
its not that i am against SK or us, being the hope of our country, but i just want to quote somthing related to the topic...
kasi my classmate in journ class is an SK kagawad...
and sabi sa PCIJ they have been investigating about SK pipz and the budget they are handling...
my classmate himself, agreed that being an SK kagawad or chairmain, is like having a training ground for corruption...
shen brood
Tama ka dun. Dapat lang na gabayan ang mga kabataang nasa SK para malinis ang lipunan at hindi para maging mas madumi pa ang mga susunod na lider ng ating bayan... Kawawang Pilipinas.
chiqi_chiq
i think talagang kelangan nila ng guidance kaso sino magbibigay ng guidance kung ung ibang nasa "itaas" ay prang d rin ginabayan?
febbie
hello everyone biggrin.gif

oo nga, sino ang magbibigay ng training...i think, ang samahan natin ang magngunguna sa training na ito at hihingi lang tayo ng guidance ng mga nakakataas na sa tingin natin ay maypapahalaga sa kabataan...

i think this is the right time na kikilos tayo....hindi kasi ito basta basta na event eh.

biggrin.gif

shen brood
That is why I had been so persistent on uniting organizations so that there can be a formidable force to form the youth and guide them on their way.. we cannot help one another if good organizations are not networked and not helping each other.
febbie
QUOTE(shen brood @ Oct 4 2005, 06:56 PM)
That is why I had been so persistent on uniting organizations so that there can be a formidable force to form the youth and guide them on their way.. we cannot help one another if good organizations are not networked and not helping each other.
*





i think pag-uusapan natin to ng mabuti...panahon na siguro natin na magmeet tungkol dito.para maimplement ang gusto natin.... biggrin.gif
shen brood
Yap tama ka dyan... para sa ibabubuti ng mamayan at ng kabataan!
febbie
QUOTE(shen brood @ Oct 5 2005, 01:37 PM)
Yap tama ka dyan... para sa ibabubuti ng mamayan at ng kabataan!
*



kailan kaya yan mangyayari???set ka ng date habang hindi pa ako masyadong busy sa weekend....mahabang pag-uusap pa naman ito...hindi matatapos sa isang meeting lang.... smile.gif
chiqi_chiq
teka ano ung gusto nyo mangyari?!
shen brood
Pagaayos lang ng mga youth organizations at kung paano palalakasin ito. Yun lang po smile.gif
febbie
chiq, youth po ba kayo? smile.gif
chiqi_chiq
QUOTE(febbie @ Oct 11 2005, 01:13 AM)
chiq, youth po ba kayo? smile.gif
*



what do you think?
febbie
QUOTE(chiqi_chiq @ Oct 12 2005, 11:51 PM)
what do you think?
*



wala din po akong idea...
shen brood
youth din sya kaso college sophomore sya e bigan Febbie.. let us help one another.. lalo na mga organizations na kinabibilangan natin.
febbie
ah ok...sana magtulong tulong tayo magkaisa ang mga kabataan...ito lang naman ang ating layunin dito eh... biggrin.gif
chiqi_chiq
and also mai-voice out natin ung mga opinions natin as youth para marinig tayo sa taas...
febbie
tama ka dun...napagsabihan mo na mga friends mo tungkol dito? sana tutulong din sila...heheh tongue.gif
chiqi_chiq
QUOTE(febbie @ Oct 15 2005, 12:46 AM)
tama ka dun...napagsabihan mo na mga friends mo tungkol dito? sana tutulong din sila...heheh tongue.gif
*



i have inform them about this site
and i dont know if they are starting to browse NYC forums
pero i hope gngawa na nila un
madali kasing mahumaling ung mga youth na interested sa SEA games e
kaya try ko dun sa mga nagfile ng application for volunteerism
febbie
ok tnx! sana hindi lang sa panahon na may sea games sila mag browse sa site na ito.... laugh.gif
catalyst
HELLO. BAGO LANG AKO DITO. IT'S GOOD THAT I'VE FOUND THIS SITE AND THIS TOPIC BECAUSE I'M HAVING MY STUDY ON THE SANGGUNIANG KABATAAN OF OUR MUNICIPALITY. KINDLY HELP ME IN SEARCHING FOR RELATED LITERATURE AND STUDIES FOR SUCH? I'M INTO ASSESSING THEIR EFFECTIVENESS AND EFFICIENCY.
shen brood
Welcome Catalyst sa NYC Forums! Para malaman kung effective ba sila o hindi isa siguro sa unang mong dapat gawin ay umatend mismo sa mga meeting ng SK sa munisipalidad mo at tingnan kung paano nila ito gawin. Pagkatapos ay alamin mo ang kanilang mga proyektong ginagawa... kung ito ba ay iisa lamang o iba-iba at kung ano ang epekto ng mga proyektong ito sa kanilang nasasakupang kabataan.
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2006 Invision Power Services, Inc.