Dapat na magkaroon tayo ng mga town-based organization para mas madaling maimplement ang mga youth programs at sa gayun ay mas madaming kabataan ang makapagparticipate. Tapos meron dapat isang parang head organizaton sa bawat probinsiya na siyang magcocoordinate ng mga youth activities and programs. Bawat taon ay magkakaroon ng meeting para maupdate ang mga member organizations sa mga developments. Kailangan din ng pagpupulong para maidentify yong mga areas kung saan nagkaroon ng mga problema sa pagpapatupad ng mga programa; at kung ano ang mga bagay na nakatulong sa tagumpay ng mga ito.
Ang gobyerno ay hindi gagastos dahil ang mga town-based organizations ay sila ang kakalap ng sarili nilang pondo. Ang mga opisyales naman ng mga organization ay alang suweldo dahil magsisilbi sila "out of the spirit of volunteerism" at para na rin sa pagmamahal sa bayan.
Anong masasabi mo kapatid?