Help - Search - Member List - Calendar
Full Version: Anghel na walang langit......
Forum Index > OTHER DISCUSSIONS > Entertainment Section
Pidro BukO
Nasasaktan akong panoorin ang mga bata sa palabas na ito.... para sa into maganda b ang teleserye na 'to? tanong lang po
webmaster
sakin ewan ko lang kc di ko pa napapanood yan eh biggrin.giflaugh.gif
shen brood
Masakit panoorin pero sa totoo lang ito ang realidad na ating kinakaharap. Sa araw-araw kay daming bata sa lansangan na namamalimos at nasa ganitong sitwasyon at kokonti lang ang tunay na tumutulong sa kanila tulad ng Caritas Manila.
chiqi_chiq
what hurts most is that the government is not implementing rules and programs for these street children....
shen brood
Well.. sa totoo lang nakakapagtaka na nga ang dami ng street children sa ating bayan at nakakaawa sila. Dapat sa halip na magbangayan ang mga nasa gobyerno ay bigyan ng pangmatagalang tulong ang mga batang ito... pero hindi lang gobyerno ang dapat kumilos dito kundi tayo rin. Hindi ba?
chiqi_chiq
yeah it shud be participatory development
minsan kasi ang mga tao eh ang galing galing mang-okray sa gobyerno
pero may gngawa ba sila?
i mean magaling lang mang-okray pero wala namang ginagawa para
maibsan ang problema...
shen brood
Yan ang kailangan nating gawin at bukod pa dun kailangan ang mga samahan at taong gumagawa ng ganitong mga bagay ay magkaisa at magkaroon ng ugnayan ng sa gayon ay maging mas malakas ang kanilang pagkilos at epekto ng kanilang gagawin.. sabi nga.. "There is power in unity!"
febbie
minsan nakakainis din yung mga ganitong street children...tutulongan nga sila pero ayaw nmn nila..


meron nga ako napuntahan na orphanage na tumakas yung street children doon kasi ayaw nila sa orphanage...gusto nila sa labas...hindi nila iniisip na bibigyan sila sa orphanage ng magandang kinabukasan.... smile.gif
shen brood
Isa sa dahilan o rason ng pagtakas nila ay ang kalayaang nararamdaman nila sa kalye. Ito ay isang masamang epekto ng pagigi nilang "independent" sa murang edad.. sa isang salita ayaw na nila pasakop sa iba.
febbie
QUOTE(shen brood @ Oct 5 2005, 01:30 PM)
Isa sa dahilan o rason ng pagtakas nila ay ang kalayaang nararamdaman nila sa kalye.  Ito ay isang masamang epekto ng pagigi nilang "independent" sa murang edad.. sa isang salita ayaw na nila pasakop sa iba.
*



oo nga...malaya daw sila sa kalye...wala silang mga commands na sinusunod...
chiqi_chiq
ano na nga pala nangyari sa anghel na walang langit?
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2006 Invision Power Services, Inc.