Madalas na ginagamit ang alcohol breath analyzer upang malaman kung nakainom ng alak o lasing ang isang drayber.
Ang alcohol breathe analyzer o ABA ay isang kasangkapan na ginagamit ng mga awtoridad upang malaman ang nibel ng alak o alcohol sa dugo ng isang drayber sa tulong lamang ng hininga niya.
Isinasagawa ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero higit na lalo sa mga pampublikong sasakyan tulad na lamang ng bus, trak, at maging sa motorsiklo.
Upang makapasa ang isang tsuper sa alcohol breathe analyzer, kinakailangan na siya ay makakuha lamang ng iskor na mas mababa kaysa sa 0.05 na porsyento.