Articles for category: Mga Sagot

Youth.net.ph

Ano ang Dalawang Uri ng Komunikasyon?

Komunikasyong Berbal Ang komunikasyong berbal ay tumutukoy sa paggamit ng salita sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Ito ay maaaring pasalita o pasulat. Ang pangunahing katangian ng berbal na komunikasyon ay ang paggamit ng wika na nauunawaan ng parehong nagpapahayag at nakikinig o nagbabasa. Halimbawa, ang pag-uusap ng magkaibigan tungkol sa kanilang araw-araw na karanasan ...

Youth.net.ph

Ano ang Wikang Pambansa ng Pilipinas?

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat ng naninirahan sa isang bansa. Sa Pilipinas, wikang Filipino ang itinalagang wikang pambansa na nababatay sa wikang Tagalog na pinaniniwalaang sinasalita sa malaking bahagi ng Maynila maging mga malalapit na lalawigan nito. Mahalaga ang pagkakaroon ng ...

Youth.net.ph

Ano ang Surian ng Wikang Pambansa

Ang surian ng wikang pambansa o SWP ay itinatag ni pangulong Manuel L. Quezon upang magsiyasat sa mga katutubong wika upang sa gayon ay makapagpatibay ng wikang panlahat alinsunod sa iisang wikang umiiral sa bansa. Kabilang sa tungkulin ng SWP ang pag-aralan ang wikang ginagamit ng mga Pilipinong may kalahating milyon na bilang lamang; paghahambing ...

Youth.net.ph

Ano ang Mas Mahalaga Wikang Filipino o Ingles?

Ang wikang Filipino ang mas mahalaga wika. Kung ikukumpara sa wikang banyaga, mas mahalaga ang wikang Filipino dahil ito ay wikang sariling atin. Ito ay higit na naunawaan ng bawat mamamayang Pilipino anuman ang antas ng mga ito sa buhay. Bukod pa riyan, ang wikang Filipino ang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino dahil sa tulong nito ...

Youth.net.ph

Ano ang Tawag sa Paglilipat ng Pinakamalapit na Katumbas na Diwa at Estilong Nasa Wikang Isasalin?

Ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin ay pagsasaling-wika. Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagsasalin ng diwa ng isang talata sa pinakamalapit nitong katumbas kung saan ang pagsasaling isinasagawa ay hindi nakatuon sa bawat salitang bumubuo sa talata. Sa pagsasaling-wika mayroong mga katangiang dapat taglayin ng tagapagsalin upang ...

Youth.net.ph

Ano ang Persona Non Grata?

Ang Persona Non Grata ay tumutukoy sa kinatawang lumabag sa batas ng bansang kanilang pinunatahan. Ang persona non grata ay isang paglabag na idinideklara ng lokal na pamahalaan o gobyerno sa isang indibidwal (dayuhan) na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa mga tao na naninirahan sa lugar na binisita nito. Maaari ring mabigyan ng ganitong ...

Youth.net.ph

Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay pumapatungkol sa likhang sining na ginagamitan ng salita at maaaring nasa anyong pasulat at paminsang-minsang pasalita. Ang panitikan ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag o pagsasabi ng ideya, damdamin, at maging karanasan ng isang indibidwal. Ito ay ang maituturing na paglalarawang pinakapayak na maaaring maisagawa sa pamamagitan ng tuwiran o tuluyang pagsusulat ...

Youth.net.ph

Ano ang Mother Tongue?

Ang Mother Tongue ay tumutukoy sa unang wika o salitang kinagisnan o natutuhan ng isang indibdiwal mula sa kanyang pagkabata. Ang Mother Tongue ay isang mahalagang bahagi ng pagkatuto ng mga indibdiwal na kung saan ito ay higit na nakatutulong sa mahusay na pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapwa. Sa tulong din nito mas mabilis ...

Youth.net.ph

Ano Ang Kahalagahan ng Wika

Ang kahalagahan ng wika ay nakapagbibigay-daan ito para magkaunawaan o magkaintindihan ang mga tao. Ang wika ay isang masistematikong balangkas ng mga tunog na pinipili at isinasaayos sa arbitraring paraan. Ito ay mga tunog na binibigkas kung kaya ang wika ay isang mahalagang parte ng pakikipagtalastasan ng mga indibidwal sa pang-araw-araw na buhay o gawi. ...

Youth.net.ph

Mga Karapatan ng Bata (10 Halimbawa)

Ang 10 halimbawa ng karapatan ng mga bata ay ang mga sumusunod: una, karapatan ng mga bata na maipanganak o maisilang sa mundo at magkaroon ng sariling pangalan maging nasyonalidad. Ikalawa, magkaroon ng mag-aarugang pamilya at matitirhang tahanan. Ikatlo, manirahan ng tahimik at payapa sa isang lugar. Ikaapat, magkaroon ng pagkaing sapat at pangangatawang malusog. ...