Ano Ang Kabuluhan ng Wika

Ang kabuluhan ng wika ay ito ang nagsisilbing behikulo ng pamamahagi ng impormasyon nasaang lugar man ang isang indibidwal at ito ang isang mabisang paraan ng pagpapalaganap ng isang kultura.

Maituturing na pinakadakilang biyaya ng Panginoon ang wika dahil ito ang kasangkapang ginagamit ng bawat isa sa paghahatid o pamamahagi ng kaisipan at damdamin ng bawat indibdiwal.

Dahil sa paggamit ng wika, naipakikita ng isang tao ang kanyang gawi, pamumuhay, at paniniwala kaya makabuluhan ito sa pagpapalaganap ng kultura ng bawat pangkat ng tao.

Ito rin marahil ang isang indikasyon ng pagiging pinakamataas ng tao sa lahat ng uri ng nilalang sa mundo dahil sila lamang ang may kakayahang magsalita at makaunawa.

Leave a Comment