Ang dapat ninyong gawin bilang pamilya upang maging may alam, maagap at handang handa ay ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.
Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya sa anumang sakuna ay mahalaga na alam ng bawat isa ang mga dapat gawin o ihanda tuwing may sakuna at kung saang ligtas na lugar magtutungo ang bawat isa.
Makakamtan lamang ito sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon dahil sa tulong nito masasabi ng bawat isa ang mga paalala o tagubilin na maaaring maging susi sa kanilang kaligtasan. Kaya naman, sa anumang sakunang kahaharapin, siguruhin na may alam ang bawat isa.